Skip to content

Lice Infestation at Tooth Decay, problema ng elementary students – DepEd

Lice Infestation at Tooth Decay, problema ng elementary students – DepEd

Ayon sa Department of Education, lice infestation at tooth decay ang pangunahing problema ng mga mag-aaral sa elementarya na may kinalaman sa kalusugan.

Batay sa datos, nasa 80.1 porsiyento ang mga nakararanas ng tooth decay, 32.2 porsiyento sa lice infestation at 28 porsiyento ang nakararanas ng sipon.

Prayoridad din ng DepEd ang mental health ng mga estudyante, dagdag ni Poa.

“That is also why when we opened our schools last Aug. 22, sinigurado natin na meron tayong mga psychosocial activities na ginawa para makita kung talagang handa ang ating learners sa pagbabalik ng schools,” ayon kay Poa.

Saad ni Poa na ang kamakailang inilunsad na Oplan Kalusugan ng DepEd at Department of Health ay tutugunan din ang mental health. Ito ay taunang assessment ay maaaring gawin sa mga paaralan upang suriin ang kalagayan ng mental health ng mga mag-aaral.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *