F2F Classes Biggest Achievement ng DepEd
Ipinagmalaki ng Department of Education ang muling pagbubukas ng face-to-face classes sa bansa matapos ang dalawang taon dulot ng pandemya.
“Ang talagang pinakamalaking accomplishment ng Department of Education sa pamumuno ng ating Vice President and Secretary of Education is ‘yung pagbabalik ng learners sa school,” ayon kay DepEd Spokesperson Atty. Michael Poa.
“Bakit po? Kasi for the past two years, talagang pong maraming hindi nakapag-aral sa ating mga kababayan. So talagang iyon ang pinakamalaking accomplishment natin for the first 100 days na naibalik natin siya,” dagdag pa niya.
Sinubukan ng DepEd na muling buksan ang physical classes sa bansa nang ligtas sa pamamagitan ng pagbibigay ng enrollment options, paglalabas ng guidelines para matiyak ang safety protocols, at iba pa.
Nagsimula noong Agosto 22 ang unti-unting pagbubukas ng face-to-face classes.
Ang full face-to-face classes naman ay inaasahang magsisimula sa Nobyembre 2.